Saturday, March 22, 2014

Ang taunang "Isang Rosas Para Kay Michael J. Jackson" ay Handa na Para sa 2014



Ikinalulugod naming ipaalam na ang paghahanda para sa "Isang Rosas Para Kay Michael J. Jackson" tribute na gaganapin sa Forest Lawn Cemetery sa June 25, 2014 ay opisyal ng nagsimula.

Sa ika-limang taon ng pagpanaw ng King of Pop, ipagdiriwang natin ang kanyang husay at buhay.

Mula sa pagtatatag ng nitong taunang okasyon, ito ay naging daan para sa mga milyun-milyong tagahanga upang ipakita ang kanilang respeto para kay Michael.

Marami sa mga tagahanga ay walang pagkakataon na makarating ng personal sa Forest Lawn kaya't ang inisyatibong ito ay isang paraan upang ipadama ang pagmamahal kay Michael sa buong mundo.

Ang isang rosas ay sumisimbolo sa puso ng isang Michael Jackson fan saan man siya nakatira. Pag pinagsama-sama, ang mga rosas na ito ay bubuo ng napakagandang Kumot ng Pagmamahal na liligid sa huling hantungan ni Michael at magpapakita ng walang hanggang suporta para sa kanya.

Upang makapagkolekta para sa darating na okasyon, ang mga admins ng Isang Rosas Para Kay Michael J. Jackson ay nagbukas ng Paypal account.

Kung mayroon ka ng sariling Paypal account:

1. Pumunta sa www.paypal.com.

2. Mag-log in sa inyong account.

3. I-click ang tab na "Send Money".

4. Sa box na nakalagay ay "To (email or mobile phone)", ilagay ang email na ito: onerose4mjj@gmail.com.

5. Sa box na nakamarkang "Amount", ilagay ang nais na bayad. Ang presyo ng isang 'long stem freedom' na rosas ay $3.00. Upang malaman kung magkano ang halaga ng ipapadalang rosas base sa dami ng nais bilhin, i-multiply ang dami ng rosas sa tatlo. Maari mo rin sundin ang chart ng mga presyo:

1 rosas = $3.00
2 rosas = $6.00
1 dosenang rosas = $36.00

6. Piliin ang opsyon na "This is a purchase" at pindutin ang "Goods".

Kung gusto mong gumamit ng debit/credit card sa halip na Paypal account:

1. I-click lang ang button na nasa baba:


OneRose4MJJ 2014 Rose Event

Dadalhin ka nito sa isang form upang bilhin ang mga rosas.

2. Sa form, ilagay ang dami ng rosas na gusto mong bilhin sa box na may label na "Qty" at i-select ang "update" na nasa kanan ng Qty box.

3. Sa baba ng form, i-click ang "check out" para dalhin ka sa form na maglilista ng mga detalye ng iyong order.

4. Sa kanan ng order box, papipiliin ka ng paraan ng pagbabayad. Piliin ang box na may label na "Pay with a debit or credit card, or Bill Me Later".

5. Ilagay ang mga importanteng impormasyon ukol sa iyong debit/credit card at ang billing address (adres ng magbabayad) at i-click ang "Pay" sa baba ng pahina.

Kapag na-order mo na ang mga rosas, makakatanggap ka ng e-mail galing sa Paypal na magpapatunay na maayos ang proseso ng pag-order. Makakatanggap ka rin ng e-mail galing sa OneRoseMJJ para patunayan na natanggap nila ang iyong order. (Tandaan: Ang mga mensahe na manggagaling sa rose team ay maaaring makarating sayo pagkatapos pa ng 48 oras, o maaaring mahigit pa depende sa mga pangyayari.)

TANDAAN DIN: Tulad noong isang taon, kasama sa kalkuladong presyo ng isang rosas ang Paypal fees, napapanahong palitan ng pera, bayad sa pagdadala ng rosas sa Forest Lawn, atbp. Kapag nabawas na ang mga fees na ito, ang mga natira ay ang gagamitin sa pagbili ng mga rosas.

Tulad ng dati, ang #IsangRosasParaKayMJJ (#OneRose4MJJ) team ay magbibigay ng mga palatuntunan para sa pagpapadala ng #MensaheKayMichael (#MessageToMichael), para ito ay mailathala sa memorial blog kasama ang iyong rose badge. Ang rose badge para sa taon na ito ay kasalukuyang pinaghahandaan at maaaring matapos sa katapusan ng linggong ito.

Para basahin ang iyong #MensaheKayMichael (#MessageToMichael), bisitahin ang blog: Celebrating Our Beloved Michael

Upang ipakita rin ang suporta sa mga organisasyong sinusuportahan ng OneRose4MJJ, ibibigay namin ang ilang buckets ng rosas sa Battered Women's shelters, Veteran's Homes, at sa mga puntod ng mga bata sa Forest Lawn.

Isang napakagandang bagay ang maipagpatuloy ang tradisyon na ito kasama ang mga kapwa MJ fans sa buong mundo. Dahil sa inyong walang sawang suporta, alam naming masaya si Michael sa pagpapatuloy natin ng kanyang nasimulan.

Salamat sa inyong pagmamahal at suporta,
Mga Tagapamahala ng grupong Isang Rosas Para Kay Michael J. Jackson

Pagsasalin sa pamamagitan ng:

https://twitter.com/BJInTheMirror


OneRose4MJJ Facebook

OneRose4MJJ Twitter

OneRose4MJJ Blogspot

OneRose4MJJ Tumblr

No comments:

Post a Comment